Acidre Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

Rep Acidre: Duterte myth tapos na, mga Pinoy puno na

10 Views

ANG mga resulta ng pinakahuling mga survey ay indikasyon umano na puno na at sawa na ang publiko sa Duterte-style politics, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Sinabi ni Acidre na sa survey ng Social Weather Station (SWS) ay 41 porsiyento ang pabor sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, samantalang sa survey ng Pulse Asia ay 61 porsiyento naman ang pabor sa imbestigasyon ng quad committee ng Kamara de Representantes kaugnay ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan libu-libo ang pinaslang.

“Add to that the consistent drop in VP Duterte’s trust ratings, and it’s obvious that the people are fed up,” sabi ni Acidre.

“They’re tired of the same old Duterte-style politics—a culture of impunity, bullying tactics, and decisions that prioritize power over public service,” dagdag pa nito.

Nanawagan si Acidre ng isang matibay na hakbang upang mapanagot ang mga Duterte sa kanilang mga maling ginawa.

“Either we stand by the wayside and allow this type of politics to continue, or we take a firm stand to hold the Dutertes accountable. The choice is ours—our silence enables impunity, but our courage can spark change,” dagdag pa ni Acidre.

Iginiit ni Acidre ang pangangailangan ng bagong uri ng pamumuno na patas, may pananagutan at inirerespeto ang batas.

“This isn’t just about one person or one family. It’s about a shift in our collective consciousness as a nation. Filipinos want leaders who will govern with integrity, compassion, and a clear vision for the future—not leaders who thrive on impunity and entitlement,” sabi pa nito.

Sinabi ni Acidre na bilang na ang mga araw kung kailan kinukonsinte ang maling ginagawa at idinadaan ang lahat sa political theatrics.

“The surveys prove it: Filipinos are ready for leaders who put the public’s welfare front and center. It’s time for leaders to listen to the people,” pahayag ng mambabatas.

Sinabi ni Acidre na ang resulta ng survey ay dapat magsilbing paalala na buhay ang demokrasya ng bansa.

“Let this be a reminder to all of us: our democracy is alive, and the Filipino people are ready to defend it,” dagdag pa ng kongresista.