Adiong2 Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, House trial spokesperson

Rep. Adiong: Impeachment ‘sacred’ duty

15 Views

“SACRED” duty ang impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte, ayon kay House trial spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.

“Maganda naman kasi pinag-uusapan talaga doon paano ’yung presentation ng evidence. Of course, hindi every day nagkakaroon tayo ng impeachment proceedings. Maski ang public prosecutors though they are lawyers and some of them practice the profession prior to their election as member of the House, hindi naman po every day may experience tayo sa impeachment trial,” ayon kay Adiong.

Sinabi pa niya na mahalaga ang preparation sa impeachment proceedings dahil hindi ito kagaya ng pangkaraniwang legislative work.

“Kaya nga mas maigi na mag-prepare na sila, hindi lang sa pag-present po nila ng mga evidence pati na rin ang how they will carry themselves sa pagdating sa trial,” aniya.

“Tatandaan po natin ito ang impeachment trial though ang magiging hukom dito ang nakaupong senador pero ang buong bansa ang manonood nito. Ibig sabihin hindi lang ang magiging huwes o hukom ang mga kagalang-galang ng mga senador, ang buong bayan ang hukom nito,” dagdag ni Adiong.

Para sa kanya, hindi lang sa presentation of evidence dapat tumutok ang mga kongresista kundi sa pagseseguro na nakakasunod ang publiko sa kaso .

“So kinakailangan talaga hindi lang prepared pero kinakailangan din po ’yung pag presentation ng mga evidence ay mas madali maintindihan at klarong maintindihan ng ating taong-bayan.

Upang sa gano’n, ang kanilang participation, maski man lang sa panonood ng trial, ay makapagbigay ito ng sinasabi nating truthful information,” pahayag ni Adiong.