Rep. Adiong

Rep. Adiong: PBBM ‘di mai-impeach

Mar Rodriguez Jan 13, 2026
265 Views

KUMPIYANSA si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na imposibleng ma-impeach si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kaugnay sa flood control scandal.

Ipinaliwanag ng Muslim solon na taun-taon na lamang ay pinagtangkaan ng mga anti-Marcos group na tanggalin o pababain ang Pangulo sa pamamagitan ng panawagan na magbitiw sa pwesto bilang bahagi ng kanilang estratehiya.

Naninindigan si Adiong na kakaunti lamang ang sumusuporta sa panawagan ng naturang grupo sapagkat marami parin sa mga Pilipino ang naniniwala sa administrasyong Marcos, Jr. sa gitna ng mga naglutangang kontrobersiya.

Sinabi ng kongresista na malabo din na magtagumpay sa Kamara de Representantes ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo dahil sa maraming mambabatas na sumusuporta at kaalyado mismo ni PBBM.