Frasco

Rep. Duke Frasco isinabuhay ang tunay na pagiging Kristiyano 

Mar Rodriguez Mar 19, 2024
134 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5Frasco6

KASABAY ng nalalapit na pagdiriwang ng Semana Santa, isinabuhay ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang tunay na pagiging “Kristiyano” hindi lamang sa salita kundi sa gawa matapos nitong sponsoran ang “medical mission” sa Danao City.

Sinabi ni Frasco na tinatayang nasa 400 residente ng Danao City ang nakakuha o nakapag-avail ng “libreng medical consultation” kasabay ng libreng gamot patungkol sa inilunsad at inisponsoran nitong Medical Mission na ginanap sa Barangay Taboc covered court para matulungan ang mga indigents.

Ayon kay Frasco, kasabay ng selebrasyon ng Semana Santa nais nitong ipakita ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano, hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa gawa sa pamamaraan ng pagbabahagi ng tulong para sa mga mahihirap na mamamayan ng Cebu.

“Ang pagtulong natin sa ating mga kababayan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pamimigay natin ng ayuda para sa kanila kundi sa pamamagitan din ng medical mission na may kasamang libreng gamotarami sa ating mga kababayan ang hirap na makabili ng mga gamot,” ayon kay Frasco.

Ipinabatid din ng House Deputy Speaker na bukod sa pagsasagawa nito ng medical mission, namahagi din siya ng 600 sako ng semento para i-donate kay Barangay Captain Celestino “Dino” Durano Sybico III para sa ginagawa nitong concreting project na galing sa sariling bulsa ng kongresista.

Kasabay nito, namahagi din si Frasco ng 2,000 bottles ng Frasco Water na ipinamigay naman nito para sa tinatayang 470 pamilya na biktima ng napakalaking sunog sa Barangay Loob, Mandaue City.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ngayong panahon ng Kuwaresma, napakahalaga aniya na maipakita at maiparamdam sa kaniyang mga kababayan ang tunay na kahulugan ng Semana Santa sa pamamagitan ng pagiging “Kristo” sa lahat ng mga nangangailangan lalo na sa mga mahihirap.