Frasco

Rep. Frasco bigay todo sa paglulunsad ng mga programa, proyekto para sa mga Cebuano

Mar Rodriguez Aug 23, 2023
252 Views

Frasco1Frasco2MARAHIL ito ang nais ipakahulungan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco kaugnay sa sunod-sunod na proyekto at programang inilulunsad nito na nagbibigay ng napaka-laking pakinabang at benepisyo para sa mga Cebuano.

Maging si Mayor Carlo Villamor mula sa bayan ng Carmen ay nagsabi na todo buhos ang suportang ibinibigay ni Frasco para sa kaniyang Distrito. Matapos nitong ipahayag na: “When it rains, it pours” na ngangahulugan na tulad umano ng isang tulad ay bumubuhos din ang mga proyekto at programa ng kongresista.

Pagkatapos ang ginawang pamamahagi ni Frasco ng nasa P3.8 milyong halaga ng cash assistance para sa 887 beneficiaries o mga indigent families mula sa Munisipalidad ng Liloan, Cebu.

Sinimulan naman ng mambabatas ang ground breaking para sa bagong grandstand sa bayan ng Carmen.

Pinangunahan ni Frasco ang ground breaking ceremony para sa construction ng ipapatayong grandstand na nagkakahalaga ng P15 million bilang Sports Complex at Oval sa Munisipalidad ng Carmen na inaasahang magiging venue sa pagdaraos ng taunang Sinulog Festival.

Dahil dito, nagpaabot naman ng tapos pusong pasasalamat si Mayor Villamor para kay Congressman Frasco dahil sa walang humpay at sunod-sunod na suportang ibinibigay nito para sa mga mamamayan ng Cebu sa pamamagitan ng mga infrastructure projects nito.

Pinasalamatan din ni Villamor ang kongresista sapagkat maliban sa mga infrastructure projects. Patuloy din ang pagbibigay ni Frasco ng suporta para naman sa mga estudyante sa pamamagitan ng kaniyang mga scholarship programs na umabot na sa libo-libong beneficiaries.

“We thank Congressman Frasco for his unending support to this town’s infrastructure projects as well as the ongoing scholarship program for the youth with over a thousand scholars for the town of Carmen alone this past year as well as medical and burial assistance for the indigent constituents in need,” sabi ni Villamor.

Nauna rito, sinabi ni Frasco na pagkatapos na paglulunsad nito ng mga infrastructure projects sa kaniyang Distrito ay isinunod naman nito ang pamamahagi ng cash assistance upang ang lahat ng kaniyang mga kababayan o constituents ay maabot ng ipinagkakaloob niyang serbisyo.

Nabatid kay Frasco na kabilang sa mga recipients na nakatanggap ng P4,350 cash assistance ay mula sa sektor ng Liloan Hog Raisers and Growers o ang mga nag-aalaga ng mga baboy. Kung saan, ang kanilang hanap-buhay ay lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Cebu.