Frasco

Rep. Frasco, naghain ng kaniyang COC para muling kumandidatong kongresista

Mar Rodriguez Oct 11, 2024
214 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5NAIS ipagpatuloy ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang paglilingkod bilang Kinatawan ng kanilang lalawigan matapos itong maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) para muling kumandidatong kongresista para sa kaniyang ikatlong termino kaugnay sa papalapit na 2025 mid-term elections.

Ayon kay Frasco, sa paghahain nito ng kaniyang COC sa Commission on Elections (COMELEC) kalakip nito ang pagpapahayag ng mambabatas ng taos pusong pasasalamat para sa kaniyang mga kababayan na lubos nagtiwala sa kaniya sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang paglilingkod bilang Kinatawan sa Kamara de Representantes.

“Today as I file my Certificate of Candidacy for my third term as Congressman of the 5th District of Cebu. I am filled with deep gratitude for everything we have achieved together over the past five years and immense optimism for all that we can still accomplish,” sabi ni Frasco matapos ang paghahain nito ng kaniyang COC.

Umaasa din si Frasco na makikita na ngayon ng kaniyang mga kababayan ang lahat ng kaniyang ipinangarap at mga pagbabagong ginawa para sa kaniyang Distrito sapul pa noong 2019 partikular na ang libo-libong estudyante na nabiyayaan ng libreng scholarship kasama na dito ang medical at financial assistance para sa mga mahihirap na benepisyaryo.

“The hope and change we envisioned in 2019 can now be seen in the thousands of young students whose scholarshipa promise a brighter future in tje families whose medical amd financial burdens have been eased and in thriving communities accross our District. Where roads, covered courts, public markets, police stations and the forthcoming universities, hospitals and airports are enhancing the quality of life,” dagdag pa ni Frasco.

Kasabay nito, namahagi si Frasco ng cash assistance para sa tinatayang nasa 2,081 iba’t-ibang benepisyaryo sa Munisipalidad ng Liloan na umabot ng P11.12 million.