Rep. Frasco nais tuldukan matinding trapiko sa Metro Cebu

Mar Rodriguez Feb 17, 2024
150 Views

HOR HORHINDI na ikinatutuwa ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang perwisyong idinudulot ng matinding trapiko sa Metro Cebu.

Bunsod nito, isinulong ni Frasco ang House Resolution No. 1592 na humihiling sa House Committee on Transportation and Good Government at Public Accountability na siyasatin ang nasabing problema.

Ipinaliwanag ni Frasco na napakahalaga ng transportation sector sa Metropolitan Cebu kasunod ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at pagpasok ng malalaking negosyo sa kanilang lalawigan.

Sinabi ni Frasco na ang Metropolitan Cebu ang pumapangalawang siyudad sa buong bansa na mabilis ang pag-unlad o “fastest growing metropolitan” sa buong Pilipinas. Kung saan, malaki ang ginagampanan nitong papel sa larangan ng industial, commercial at financial development sa Visayas at Mindanao regions.

Ayon sa kongresista, bunsod ng lumalaking population ng Cebu City at paglago ng ekonomiya nito, kaasabay naman ang lumalalang problema sa trapiko lalo na sa metropolitan area.

Ipinaliwanag ni Frasco na batay sa isinagawang pag-aaral ng JICA noong 2018, nabatid na nasa tinatayang P1.1 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Cebu dulot ng problema ng trapiko.
“Metro Cebu is the second fastest growing metropolitan in the country and has played an increasingly significant role in the industrial, commercial and financial development of the Visayas and Mindanao regions. However, along with its growing population is the continuous worsening of its traffic situation,” sabi ni Frasco.