Rep Frasco

Rep. Frasco namahagi ng bigas, sardinas at pera sa mga nasunugan

Mar Rodriguez Jan 5, 2024
70 Views

NasunuganNAGBIGAY ng libong kilo ng bigas, sardinas at pera si House Deputy Speaker at Cebu 5th District Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa mga biktima ng malaking sunog sa Sitio Santa Maria, Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City.

Personal na binisita ni Frasco ang relocation site ng mga pamilyang naapektuhan ng malaking sunog sa nasabing lugar.

Kasama sa nasunog ang mga mahahalagang infrastructure buildings at mga kabahayan.

Namahagi ang kongresista ng 1,400 bags ng bigas at 2,900 sardinas para sa mga apektadong residente.

Namahagi din si Frasco ng P2,000 cash assistance para sa apektadong 1,400 pamilya.

Pansamantalang nananatili sa Pusok Elementary School ang mga apektadong residente. Nasa Marcelo Fernan Bridge ang iba sa mga nasunugang pamilya.

Binigyang diin ni Frasco ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat Cebuano sa mga panahon ng kagipitan gaya ng sunog.

Ipinaliwanag niya na anuman ang nawala sa kanila, maaaring maibalik tulad ng kanilang mga bahay at ari-arian na tinupok ng apoy.