Rep. Frasco

Rep. Frasco namahagi ng P1M ayuda sa mga benepisyaryo ng Catmon

Mar Rodriguez Sep 1, 2023
180 Views

Rep. Frasco Rep. Frasco Rep. FrascoTULOY-TULOY ang serbisyong ipinagkakaloob ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa kaniyang mga kababayan matapos na muling mamahagi ang kongresista ng nasa P1.6 million cash assistance para naman sa mga benepisyaryo ng Catmon, Cebu.

Sinabi ni Frasco na ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng ipinamigay nilang cash assistance ay nasa 369 na pawang mga indigent resident ng Catmon Cebu. Kung saan, ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng P4,350 para matulungan silang makabangon mula sa COVID-19 paandemic.

Kasama ni Frasco sa paglulunsad ng “cash assistance program” ay sina Board Member Mike Villamor, Catmon Mayor Avis Monleon, Vice-Mayor Armel Poro. Kabilang ang iba pang Municipal at Barangay officials.

Nauna rito, pinatotohanan ni Frasco ang modernong litaniya ng mga kabataan na “Sana All”. Ito ay matapos siyang mamahagi ng nasa P3.8 million halaga ng cash assistance para sa lahat ng 887 beneficiaries ng Liloan, Cebu na itinuturing na indigent o nasa mahirap na kalagayan.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Frasco na hindi lamang ang mga infrastructure projects ang kaniyang tinututukan. Bagkos maging ang pamamahagi niya ng tulong pang-pinansiyal ang isa sa kaniyang mga prayoridad para matulungan ang kaniyang mga kababayan mula sa kanilang kalagayan.

Magugunitang ipinahayag ng kongresista na kabilang sa mga recipients na nakatanggap ng P4,350 cash assistance ay mula sa sektor ng Liloan Hog Raisers and Growers o ang mga nag-aalaga ng mga baboy. Kung saan, ang kanilang hanap-buhay ay lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Cebu.