Vincent Franco

Rep. Frasco pinagtanggol ang Love the Philippines

Mar Rodriguez Jul 2, 2023
185 Views

IPINAGTANGGOL ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang bagong slogan ng Tourism Department na “Love the Philippines” matapos ang pag-almaumano dito ni Albay 2nd Dist. Representative Joey Sarte Salceda.

Umalma umano si Salceda sa bagong slogan ng Department of Tourism (DOT) sapagkat hindi napasama dito ang ipinagmamalaking Mayon Volcano sa Albay matapos nitong ipahayag na hindi kumpleto ang Philippine tourism kung hindi naman mapapasama dito ang Mayon Volcano.

Dahil sa iyung ito, sinagot ni Frasco ang naging pahayag ni Salceda sa pagsasabing kung titignan at susuriin lamang mabuti ng Bicolano congressman, kapansin-pansin aniya na kabilang ang Mayon Volacano sa 50 kabundukan o volcanos na nire-representa ng DOT slogan.

“If you look closely the over 50 notable mountains and volcanos of the Philippines are represented in DOT Love the Philippines logo. As well as whalesharks and surfs of the Philippines. Let’s celebrate not hate, Love the Philippines,” ayon kay Frasco.

Sinabi pa ni Frasco na sa halip na punahin o batikusin umano ang bagong slogan ng Tourism Department na “Love the Philippines” makabubuti aniyang suportahan na lamang ito sapagkat ang mga Pilipino at ang bansa rin naman ang makikinabang dahil sa mga dayuhang turista na bibisita sa Pilipinas.

Binigyang diin ng Cebu congressman na malaki ang magiging pakinabang ng mga Pilipino sa bagong slogan ng DOT sapagkat bubuksan nito ang napakaraming oportunidad para sa Philippine tourism. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng maraming trabaho at pagbubukas ng mga negosyo.

Sinabi pa ni Frasco na sa initial video ng Love the Philippines na nagpo-promote sa Pilipinas bilang isang world class tourist destination. Ipinasusulyap aniya ng nasabing video sa international community o sa buong mundo kung bakit kailangang mahalin ang Pilipino o masabing Love the Philippines.

“The initial video promoting the Philippines gives the world a glimpse of the many reasons to Love the Philippines. Just like in any campaign, this ad campaign is not just for one day nor does it consist of just one singular video. Opening salvo pa ni Bai. Dili pa ni ang miting de avance. More to come. Keep calm and Love the Philippines,” sabi pa ni Frasco sa kaniyang post sa Facebook page nito.