Sinabi ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco na ang bagong patayong TRA sa Carmen, Cebu ay inisyatiba at pinasimulan ng kanyang kabiyak na si Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco. Ang TRA ay kumpleto sa pasilidad tulad ng information desk, pasalubong center, charging centers para sa cellphone at malinis na palikuran para sa mga turista.

Rep. Frasco pinangunahan pagpapasinaya ng TRA sa Carmen

Mar Rodriguez Dec 26, 2023
172 Views

Vincent Frasko Duke Vincent Frasko Duke Vincent Frasko DukePINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco kasama ang kaniyang kabiyak na si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang pagpapasinaya sa ipinatayong Tourist Rest Area (TRA) sa Carmen, Cebu.

Sinabi ni Rep. Frasco na ang bagong patayong TRA sa Carmen, Cebu ay inisyatiba at pinasimulan ni Sec. Frasco.

Ang TRA ay kumpleto sa pasilidad tulad ng information desk, pasalubong center, charging centers para sa cellphone at malinis na palikuran para sa mga turista.

Ipinaliwanag ng kongresista na maituturing na isang “welcome development” para sa Munisipalidad ng Carmen ang pagkakaroon ng TRA sapagkat matatagpuan sa nasabing lugar ang mga pangunahing “tourist attractions” tulad ng Cebu Safari, wilf life parks at iba pang mga lugar na dinadayo ng mga turista.

Sinabi ni Rep. Frasco na inaasahang lalong dadagsain ng mga dayuhan at local na turista ang kanilang lugar para bisitahin ang mga nasabing tourist attractions na magbibigay naman ng malaking gansiya sa ekonomiya ng Cebu.

Ikinagalak naman ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang karagdagang TRA na pinasinayahan ng Tourism Department dahil malaki aniya ang papel na ginagampanan nito para makahikayat ng mga turista.

Ayon kay Madrona, ang pagkakaroon ng mga TRA sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay pagpapakita ng malinaw na indikasyon na napakalaki talaga ang potensiyal ng Philippine tourist para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.