Frasco1

Rep. Frasco prayoridad seguridad sa Danao City

Mar Rodriguez Oct 22, 2024
10 Views

Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5PRAYORIDAD ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagpapanatili ng “peace and order” sa kaniyang distrito matapos itong mamahagi ng anim na bagong trike patrols na inilaan para sa iba’t-ibang barangay sa Danao City kabilang na dito ang bayan ng Taboc, Suba, Cabumayan, Baliang, Cambubho at Magtagobtob.

Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pamamahagi ng anim na brand new trike patrols na tinaguriang “Duke Trike Patrols” na gagamitin ng mga opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang mga lugar.

Paliwanag ni Frasco na nais nitong matiyak na napapanatili ng mga barangay officials ang kaayusan sa kanilang mga lugar para narin sa kaligtasan ng mga residente at mamamayan sa kanilang Barangay.

Dagdag pa ng kongresista na ang mga Duke Trike Patrols ay nagkakahalaga ng P71,200 bawat isa na sa kabuuan ay umabot naman sa halagang P427,000 upang madagdagan ang patrol vehicles ng mga Barangay sa kaniyang Distrito.

“Hindi lamang natin sinisiguro ang maayos na pamumuhay ng ating mga kababayan. Tinitiyak din natin na napapanatili ang peace and order sa mga Barangay sa ating lalawigan. Kaya namigay tayo ng mga Duke Trike Patrols para sa kaayusan ng bawat Barangay,” sabi ni Frasco.