Impeach

Rep. Valeriano optimistiko na magtatagumpay 3impeachment complaint vs VP Sara

Mar Rodriguez Dec 20, 2024
16 Views

ValerianoImpeach1Impeach2Impeach3OPTIMISTIKO si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano na magtutuloy-tuloy hanggang sa magtagumpay ang tatlong impeachment complaint na isinulong sa Kamara de Representantes ng magkakaibang grupo laban kay Vice President Inday Sara Duterte sa kabila ng mga posibleng balakid sa preso nito kagaya ng nalalapit na 2025 midterm elections at pagpasok ng mga bagong batch ng mga kongresista sa ilalim ng 20th Congress.

Sa panayam ng People’s Taliba kay Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi nito na wala siyang nakikitang dahilan upang hindi magtuloy-tuloy ang naturang impeachment complaint sa kabila ng nalalapit na halalan kung saan inaasahang magiging abala ang mga kongresista sa kanilang pangangampanya at ang pagpasok naman ng mga bagong batch ng mga mambabatas sa susunod na Kongreso (20th Congress).

Paliwanag ni Valeriano na kung talagang gugustuhin ay maraming paraan kahit pa sabihing may mga magiging hadlang sa proseso ng tatlong impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.

Umaasa ang kongresista na sa pagpasok ng 2025 ay magiging pulido ang proseso ng nasabing impeachment complaint hanggang sa makarating ang reklamo sa Senado para sa pormal na pagsasagawa ng impeachment trial laban kay VP Sara kaugnay sa mga kasong ikinukulapol laban sa kaniya.

Pagdidiin pa ni Valeriano na malaki ang tiyansa ng impeachment complaint na magtuloy-tuloy at hindi aniya magiging hadlang ang eleksiyon at pagpapalit ng liderato sa Kamara de Representantes.

“Ang Senate they sixty days to finish the impeachment complaint if ever diba? Kapag ginusto may paraan. So tignan natin, kami naman dito sa House. Ibabato pa natin iyan sa Committee on Justice, hihimayin pa natin ang tatlong impeachment complaint at susuriin natin ang sustance niyan at kapag maayos naman bakit naman hindi matutuloy,” wika ni Valeriano sa panayam ng People’s Taliba.

Ang ibinigay na pahayag ng mambabatas ay patungkol sa ikatlong impeachment complaint na isinulong ng grupo ng mga abogado, mga alagad ng Simbahan at mga kasapi ng cause-oriented groups sa Kamara laban kay VP Sara na nag-ugat sa maanomalya at kaduda-dudang disbursement nito ng P612 milyong Confidential Funds ng Office the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ang naghain ng pangatlong impeachment complaint kinabibilangan ng labing-tatlong grupo mula sa hanay ng mga Pari mula sa Diocese of Novaliches, mga Pari mula sa Order of Carmelites (OOC), mga Pafi mula sa Congregation of the Mission at grupo ng mga abogado na Union of People’s Lawyers of Mindanao.

Sinabi ng lead counsel ng labing-dalawang grupo na si Atty. Amando Virgil Ligutan na ang pinagbatayan ng isinampang reklamo laban kay VP Sara ay kinabibilangan ng culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, plunder, malversation and technical malversation at betrayal of public trust batay sa resulta ng imbestigasyong isinagawa ng House Committee on Good Government o ang Blue Ribbon Committee ng Kamara de Representantes.