Yap

Rep.Yap suportado si Sec. Tulfo

249 Views

NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Benguet Congressman Eric Yap sa layunin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na pagkakalooban ng tulong at proteksiyon ang mga Indigenous Peoples (IPs) sa pamamagitan ng mga programa ng ahensiya.

Ayon kay Yap, simula nang maupo si Sec. Tulfo sa DSWD ay ginampanan nitong mabuti ang kanyang trabaho upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan nating kababayan, saang lugar man sila naroroon.

Inilapit rin aniya niya ang mga programa ng ahensiya sa bawat komunidad upang mapagsilbihan ang libu-libong pamilya at ngayon naman ang kapakanan ng IPs ang binibigyang-pansin ng kalihim.

Matatandaang kamakailan lamang ay inilatag ng DSWD ang kanilang Educational Assistance Program kung saan aabot sa P1.6 bilyong halaga ng cash aid ang naipamahagi sa mahigit 600,000 student beneficiaries.

“It is only after Sec. Tulfo announced the nationwide roll out of the educational assistance program that the public was made aware that agency has this kind of program. Through the efforts of Sec. Tulfo and the whole DSWD, more than 600,000 students were able to continue with their studies,” ani Yap.

Pinuri rin ni Yap ang kalihim dahil sa pagiging consistent nito sa pagiging isa sa mga first responders sa ground kung may nararanasang kalamidad saan mang lugar sa bansa.

Sa ilalim rin aniya ng pamumuno ni Sec.Tulfo, tinitiyak ng DSWD na ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng natural disasters at conflicts ay nagiging prayoridad at naipagkakaloob sa kanila.

Dagdag pa ng mambabatas, bilang patunay sa kanyang commendable public service, nakakuha si Sec. Tulfo ng 74% na approval rating, batay na rin sa survey ng RP – Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

“Sec. Tulfo is truly an asset to the PBBM administration. We are grateful that his laudable performance as a Secretary is aligned with the excellent performance of duty by President Bongbong Marcos. We are confident that many more lives will be uplifted with the help of the government, especially with Sec. Tulfo at the helm of the DSWD,” ayon pa kay Yap.