Calendar
Rep. Yedda Romualdez pinuri pagtulong sa mga biktima ng gender-based violence
PINURI ni Tingog Party List Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang pagpasok sa isang kasunduan ng Kamara de Representantes lokal na pamahalaan ng Quezon City at Integrated Bar of the Philippines (IBP) para tulungan ang mga biktima ng gender-based violence at kanilang pamilya.
“I am very much honored to witness and be a part of this historic signing of the Memorandum of Understanding by the House of Representatives, the Quezon City Local Government, and the Integrated Bar of the Philippines – Quezon City Chapter, to provide comprehensive and holistic support to House employees who are victims or survivors of gender-based violence,” sabi ni Rep. Romualdez.
Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU), ang Kamara, Quezon City Protection Center (QCPC) na nasa ilalim ng Office of Mayor Joy Belmonte, at IBP-QC Chapter sa isang seremonya sa Romualdez Hall ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Si Rep. Romualdez ang kumatawan kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa makasaysayang paglagda ng MOU.
“The Speaker and I express our full support for this undertaking. It fills me with pride to be a part of an institution that values the welfare of its employees and ensures that they receive the best care and support when they need it the most,” sabi ni Rep. Romualdez.
Sinabi ng lady solon na sa pagsama-sama ng tatlong ahensya ay nakabuo ng isang malakas na grupo na tutulong sa mga empleyado ng Kamara na nakaranas ng pananakit at pang-aabuso.
“I am confident that this MOU will be the foundation for a very strong partnership among the House, the Quezon City Local Government, and the IBP in addressing and preventing gender-based violence,” dagdag pa ni Rep. Romualdez.
Kinilala rin ni Rep. Romualdez ang mga nasa likod ng tripartite agreement na sina BHW Party List Rep. Angelica Co, Chairperson ng Committee on Welfare of Children; Laguna 1st District Rep. Lourdes Matibag, Senior Vice-Chairperson ng Committee on Women and Gender Equality; Quezon City Councilor Eleanor “Doc Ellie” Juan, House Secretary General Reginald Velasco, Atty. Annalou Nachura, Deputy Secretary General ng House Legal Affairs Department; Atty. Michael Atanante, President ng IBP QC Chapter; at Atty. Melissa Encanto-Tagarda, ang incoming President ng IBP-QC.
“Today’s (Monday) ceremonial signing stands as another clear statement that the House of Representatives does not only talk and make policy – we also walk the talk, and act as needed, providing immediate solutions to the problems at hand, always in the best interests of the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez sa kanyang mensahe. “Let me assure everyone now: so long as I am Speaker, the House of Representatives shall remain a safe workspace for everyone.”
Iginiit ni Romualdez ang kahalagahan na magkaroon ng lipunan kung saan pinapahalagahan ang dignidad ng bawat isa, inirerespeto ang karapatang pantao, at wala ng biktima ng karahasan.