Calendar
Rep Zaldy Co: AKAP bagong pamantayan ng corruption-free governance
ANG Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay lumabas na isang magandang halimbawa ng malinaw at epektibong paggamit ng pondo ng bayan, ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Zaldy Co.
“AKAP is a clear example of how government funds should be used—efficiently and without corruption,” ani Co. “Do we want confidential funds like those in Davao City, DepEd or Office of the Vice President under VP Sara Duterte which were riddled with 100% corruption, or programs like AKAP with zero corruption? Ang pinakamalalakas bumatikos ay kadalasan yung walang ginagawa para tumulong sa tao. AKAP directly addresses inflation and uplifts the lives of our countrymen, especially the near-poor.”
Ayon sa pahayag ng DSWD, sa ilalim ng AKAP ay nabigyan ng tig-P5,000 tulong pinansyal ang halos limang milyong near-poor na Pilipino noong 2024. Ang programa ay mayroong 99.31% utilization rate sa P26.7 bilyong pondo nito.
Pinupuri ang programa dahil sa pagiging transparent nito at pagkakaroon ng epekto sa mga pamilyang nahaharap sa hamon dulot ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sinabi ng chairman ng House Appropriations committee na hindi maikukumpara ang tagumpay ng AKAP sa mga kabiguan ng nakaraang administrasyon na tadtad ng maling paggamit ng pondo.
“If we can achieve this now, why wasn’t it done before? Where did the money go? Napunta ba ito sa confidential funds o sa 27,000 na extrajudicial killings?” tanong ni Co.
Nanawagan din si Co ng hustisya at pananagutan sa maling paggamit ng pondo ng gobyerno at paglabag sa karapatang pantao sa nakaraan.
“The Filipino people deserve justice for those who were wronged. Huwag nating ilihis ang usapan. Kailangang panagutin ang mga responsable sa pag-abuso sa pondo ng bayan at pagkawala ng mga inosenteng buhay,” saad pa ng party-list solon.
Iginiit rin ni Co ang kahalagahan ng mga programa ng gobyerno gaya ng AKAP sa pagbibigay ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
“Criticism without action is noise. While others talk, AKAP delivers. Ganito ang nangyayari kapag inuuna natin ang kapakanan ng tao kaysa politika,” dagdag pa nito.
Sa pagpapatupad ng AKAP ngayong taon kung saan nasa 5 milyong Pilipino ang inaasahang matutulungan, muling iginiit ni Co nag pangako nito na isusulong ang transparency at accountability sa lahat ng inisyatiba ng gobyerno.
“This is the kind of leadership Filipinos deserve—honest, efficient, and free from corruption. Let’s learn from the past and build a better future for every Filipino,” pagtatapos ng mambabatas.