Ablan

Requirement ng mga dayuhan na papasok sa PH binawasan

253 Views

HINDI na kakailanganin ng Entry Exemption Document (EDD) ng mga dayuhan na fully vaccinated na laban sa COVID-19 kapag pumasok sa bansa simula sa Abril 1.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary at Deputy Presidential Spokesperson Michel Kristian Ablan ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng Inter-Agency task Force (IATF).

Ang kailangan na lamang ng mga dayuhan na papasok sa bansa ay ang kanilang proof of vaccination at pasaporte na hindi pa mage-expire sa loob ng anim na buwan.

Dapat din na mayroong travel insurance para sa pagpapagamot sakaling mahawa ito ng COVID-19.

Ang mga dayuhan ay dapat ding mayroong negatibong RT-PCR test na kinuha 48-oras o negatibong laboratory-based antigen test na kinuha sa loob ng 24-oras bago ang pagdating sa Pilipinas.