Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Badjao Ilan sa mga na-rescue na Badjao nitong Biyernes (Nov. 18) sa NCR. Binigyan ng P10,000 per family bilang puhunan at pamasahe.

Rescue ng Badjao at Aeta sa kalsada, inumpisahan na ng DSWD

179 Views

DSWD

HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.

Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta papauwiin sa kanilang lugar ang mga Indigenous People (IP) na ito kundi bibigyan na sila ng pangkabuhayan.

“Dati-rati kasi bibigyan lang sila ng pagkain, bibilhan ng ticket ng barko, at bibigyan ng barya-barya at saka pauuwiin,” ani Tulfo.

Ayon kay Sec. Tulfo, “you do not solve their problem. Ang problema wala silang makain sa kanilang lugar dahil wala silang hanap buhay o pinagkakakitaan kaya pabalik-balik sila dito sa NCR o malalaking lungsod para magpalimos.”

Sampung libong piso bawat pamilya ng IPna nare-rescue ngayon ang ibinibigay ng DSWD bilang puhunan nila pagdating sa kanilang lugar.

Bukod sa puhunan, binigyan din ng food pack, family at hygiene kits ang bawat pamilya.

“Ito ang isa sa mga pinatututukan ng Pangulong BBM na bigyan mg pangkabuhayan ang mga IPs para hindi na nagpapalimos pa sa kalsada,” ayon sa kalihim.

Ayon naman kay DSWD Standard Bureau Usec. Denise Bragas, na siyang nangangasiwa sa rescue operations ng IPs sa lansangan, isusunod na nila ang mga street children.

“In coordination po with the LGU, mga bata na palaboy ang isusunod naman na ng DSWD,” ayon kay Usec. Bragas.

Dagdag pa niya, “ang utos po sa amin ni Sec. Tulfo, kapag tatlong beses ng nare-rescue ang bata lansangan, hindi na po namin isosoli sa magulang nila bagkus gobyerno na po ang magpalaki at magpapa-aral sa kanila”.