NAIA

Reshuffle ng pangunahing tauhan sa NAIA kinumpirma

Jun I Legaspi Oct 16, 2024
98 Views

KINUMPIRMA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang pagpapatupad ng balasahan ng mga pangunahing tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap na ayusin ang operasyon sa paliparan at mapahusay ang kahusayan.

Ang mga pinuno ng terminal ng BI sa NAIA kasama ang Chief ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ay nireshuffle upang mapabuti ang serbisyo at higpitan ang mga proseso sa imigrasyon.

“This reshuffling is the result of a comprehensive study of airport procedures,” ayon kay Viado. “We are committed to streamlining operations at the country’s main gateway. Improving airport efficiency is one of my administration’s top priorities, and we will continue making necessary changes to ensure smooth immigration processing.”

Unang hakbang pa lamang anya ito at ipinangako ni Viado na magkakaroon pa ng higit pang mga istruktural na pagbabago sa mga darating na linggo.

Tiniyak ng BI Chief sa publiko na inuuna ng ahensya ang mga pangangailangan ng mga biyahero habang tinitiyak na hindi isinasakripisyo ang seguridad sa mga hangganan.

“These adjustments are part of our mission to provide faster, more efficient service to passengers, while still maintaining strict enforcement of immigration laws. We are strengthening our systems to meet the increasing demands of modern travel,” dagdag pa ni Viado.

Binigyang-diin din ni Viado na ang reshuffling ay nagpapakita ng pangmatagalang layunin ng BI na tiyakin na mananatiling mahusay at transparent ang mga operasyon sa paliparan, na magiging mahalaga habang patuloy na hinaharap ng ahensya ang mga umuusbong na hamon sa seguridad ng hangganan.