Quezon Sa isinagawang pulong balitaan, ipinaliwanag ng isang opisyal ng barangay ang mga nasisirang kapaligiran sa kanilang barangay sa lalawigan ng Quezon. Nababahala rin sila sa pananalasa na bagyong Kristine. Kuha ni JONJON C. REYES

Residente sa Buenavista bgy nababahala sa pagguho ng lupa

Jon-jon Reyes Oct 23, 2024
126 Views

NAGPAHAYAG ng pagkabahala sa kanilang kaligtasan ang mga residente sa dalawang barangay ng Buenavista Quezon na maaaring gumuho dahil sa pagkawasak ng proteksiyon na nagpapatatag sa lupang tinatayuan ng kanilang mga tahanan.

Sa pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila, umapela sa mga mamamahayag at maging sa pamahalaan ang mga naturang residente na tulungan sila upang hindi tuluyang mawasak ang kanilang kabuhayan at kapaligiran partikular na ang kanilang baybaying dagat.

Nasa mahigit 50 pamilya ng Barangay Mabutag ang apektado ng ginagawang pag-demolish kung saan ilang mangingisda ay walang ng pinagkakakitaan.

Iginiit naman ni Kagawad Maricar Ortiz Fernando ng Barangay Sabang Piris na umaabot sa P300 kada araw ang nawalang kita sa kanila mula sa 150 pamilya na umaabot sa P45,000 ang kada araw na nawawalang kita ng naturang barangay.

Ngayon aniyang mayroon na namang panibagong bagyo, hindi na anila sila mapanatag dahil maaaring lumaki na naman ang dagat at tuluyang ng iguho ang kanilang mga tirahan.