BBM2

Resignation ng mga pulis na sabit sa iligal na droga tatanggapin ni PBBM

Neil Louis Tayo Jul 25, 2023
197 Views

TATANGGAPIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang resignation letter na isinumite ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na dawit sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

“Unscrupulous law enforcers and others involved in the highly nefarious drug trade have been exposed. I will be accepting their resignations,” ani Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi rin ng Pangulo na ang kanyang mga itatalaga sa puwesto ay ang mga taong hindi kuwestyunable ang integridad upang pangunahan ang laban ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse,” dagdag pa ng Pangulo. “We cannot tolerate corruption and incompetence in government.”

Iginiit rin ng Pangulo na hindi lulubayan ng kanyang gobyerno ang paglaban sa mga sindikato ng iligal na droga.