Garbin

Reso na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution, inisyatiba ng Kamara

120 Views

MARIING iginiit ng isang Dating mambabatas na inisyatiba ng Kamara at hindi ng Senado ang resolusyong naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

“Congress initiated that and not the senate”, ayon kay Atty. Alfredo Garbin, dating chairman ng House Committee on Constitutional Reform noong 18th congress.

Dagdag pa ni Garbin, ilang congress na inaakyat ng kamara sa senado ang charter change para sa economic reforms pero inuupuan lang ng Senado.

“Actually even sa 8th congress pa pinapasa ng kongreso yan pero no action sila and now na lang”, aniya.

Base sa INVENTORY OF MEASURES ON CONSTITUTIONAL REFORM ng House Committee on Constitutional Amendments, lumalabas na halos isang taon na mula nang ipasa ng House of Representatives ang isang resolusyon at panukalang batas na nagpapatawag ng Constitutional convention para baguhin ang Saligang Batas.

Naipadala ito at natanggap ng Senado pero walang ginawang aksyon ang Mataas na Kapulunagn mula pa noon.

Ngayon na lang kumilos ang Senado matapos umarangkada ang People’s Initative para payagan ang pagboto ng Kamara at Senado bilang isang kapulungan.