Obiena

Resolusyon inaprubahan sa kamara na kumilala sa husay ni Obiena matapos makakuha ng gintong medalya

Mar Rodriguez Sep 1, 2022
224 Views

Kamara kinilala husay ni Obiena

NAGKAKAISANG inaprubahan ng liderato ng Kamara de Representantes ang House Resolution No. 317 na kumikilala kay “pole vaulter” John “EJ” Uy Obiena matapos itong makakuha ng medalyang ginto na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Inakda nina House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez, Housde Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Ilocos Norte Cong. Ferdinand Alexander A. Marcos, House Minority Leader Marcelino C. Libanan at Tingog Party List Cong. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang nasabing resolusyon.

Layunin ng HR No. 317 na maparangalan si Obiena dahil sa nakamit nitong tagumpay matapos mapagwagian ang 26th Internationales Stabhochsprung Meeting Classic 2022 sa Germany.

Sinabi ni Speaker Romualdez na kahanga-hanga at hindi matatawaran ang ipinamalas na husay ni Obiena sapagkat nagbigay aniya ito ng malaking karangalan para sa bansa kung saan ay muling makikilala ang Pilipinas sa larangan ng sports.

“The exemplary performance of Ernest John “EJ” Uy Obiena in pole vaulting deserves utmost commendation and distinction for the honor and glory he brought to the country,” sabi ni Speaker Romualdez.