Sara

Responsible parenthood itinutulak ni VP Sara

148 Views

BINIGYAN-DIIN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng responsible parenthood para hindi lumubog sa kahirapan ang isang pamilya.

Sa kanyang pagsasalita sa ‘PagbaBAGo’ campaign na isinagawa sa Bangued Town Plaza sa Abra, hinikayat ni Duterte ang mga magulang na kumonsulta sa mga eksperto upang hindi lumaki ang kanilang pamilya.

“Sa mga magulang, kailangang merong pagplano sa pamilya dahil kapag marami po ang ating anak, hindi po matatapos ng pag-aaral ang mga anak natin,” sabi ni Duterte.

Binigyan-diin din ni Duterte ang kahalagahan na maplano ang pamilya “para sa kinabukasan ng ating mga anak.”

Ang ‘PagbaBAGo’ campaign ay isang programa ni Duterte kung saan namimigay ito ng school supplies at dental kit sa mga estudyante.