Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Dalipe House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City

Resulta ng Pulse Asia survey sa Cha-cha kinondena ng mga mambabatas

Mar Rodriguez Mar 31, 2024
147 Views

KINONDENA ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang resulta ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing mayorya ng mga Filipino ang tutol sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

Hinala ng mga mambabatas ang survey ay bahagi ng black propaganda na naglalayong pahinain ang isinusulong na pag-amyenda ng restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Nagkakaisa din sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, at Deputy Majority Leader Janette Garin ng Iloilo na hayaan na ang mga Pilipino ang magpasya kung kailangan na bang amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang plebisito.

Ang reaksyon nina Dalipe, Suarez, at Garin ay kaugnay sa ginawang survey ng Pulse Asia na nagsasabing 74 na porsyento ng mga respondent ang naniniwalang hindi napapanahon at hindi dapat amyendahan ang Saligang Batas.

Duda rin ang mga mambabatas sa integridad at layunin ng survey, lalo’t kabilang sa mga tanong ay hindi naman kasali sa isinusulong sa Kongreso.

Binatikos ni Dalipe ang pagkakasingit ng mga tanong na walang kaugnayan sa isinusulong na economic Charter reform gaya ng pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno, pagbabago ng uri ng pamamahala mula sa presidential system patungong parliamentary system, at paglipat mula bicameral sa unicameral legislature.

“Why include questions that people don’t want and are not related to the ongoing process in Congress? Is this black propaganda?” tanong pa Dalipe.

Ang resulta ng survey ay inilabas isang linggo matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7), na layong amyendahan ang ilang probisyon sa Konstitusyon na may kinalaman sa public utilities, edukasyon, at advertising.

Ang RBH 7 ay ipinadala na rin ng Kamara sa Senado. Ang kaparehong resolusyon—RBH No. 6 ay tinatalakay pa sa subcommittee level ng Senado.

Inihayag din ni Suarez ang pagkadismaya nito sa resulta ng survey na tila isang pagtatangka na hadlangan ang proseso ng reporma sa Konstitusyon.

“Including unrelated questions in the survey only serves to confuse and mislead the public,” ayon pa kay Suarez, kasabay na rin ng kanyang panawagan na magkaroon ng patas na pamamaraan sa paggawa ng survey.

Dismayado rin si Garin sa resulta ng survey na aniya’y tila pagtatangka na impluwensyahan ang opinyon ng publiko.

“Surveys should reflect the real concerns of the people, not push a particular agenda,” ayon pa kay Garin, dapat ding taglay ng survey ang wasto at makatotohanan na mga paksang tinalakay sa Kongreso,” sabi nito.

Naniniwala naman si Dalipe, na ang pinaka-epektibong pagsukat ng public opinion tungkol sa Cha-cha ay sa pamamagitan ng plebisito at hindi sa pamamagitan ng survey.

“The best course of action is to pass it in the Senate and let the people decide through a plebiscite,” ayon naman kay Suarez.

“The people’s voice should be heard directly through a plebiscite, not through biased surveys,” dagdag pa ni Garin bilang pangsang-ayon sa mga kasamang mambabatas.