Revilla Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Revilla tatakbong senador sa ilalim ng Lakas-CMD

62 Views

IDINEKLARA ng pinakamalaking political party sa bansa na Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang beteranong mambabatas na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. bilang opisyal na senatorial candidate sa paparating na 2025 midterm elections.

Sa isang resolusyon na isinumite ng partido sa kanilang pambansang kumbensiyon na ginanap kamakailan sa Malakanyang, opisyal nang ninomina si Revilla bilang natatanging kandidato ng Lakas-CMD para sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Malugod naman itong tinanggap ni Revilla, kasalukuyang chairperson ng partido, at pinasalamatan si Lakas-CMD president at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez maging ang iba pang mga kapartido sa tiwalang patuloy na ipinagkakaloob sa kanya.

“It is with beaming gratitude that I humbly accept the nomination of our beloved party to be its candidate for senator in the upcoming 2025 midterm elections. I am deeply grateful for the trust and support of our esteemed party president, my dear friend, Speaker Martin Romualdez,” wika ni Revilla.

“Mga kasama, hangad ko na patuloy tayong magtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan. Ang tiwala na muling ibinigay ninyo sa akin ay isang responsibilidad na buong puso kong tatanggapin at dadalhin,” dagdag ng mambabatas.

Pinasalamatan din ni Revilla si Speaker Romualdez sa mga kontribusyon nito sa kanilang partido sa mga nagdaang taon.

“Under Speaker Martin’s leadership, our party has reached an unprecedented level of solidarity. Through him, our commitment to the mission of our organization has grown stronger than ever. He is the key to why Lakas is now the ruling party of our nation! And because of this, I can confidently say to all of you, we are truly in good hands,” sabi pa ng Lakas stalwart.

Bahagi na ng partido si Revilla simula pa noong nagsilbi itong bise gobernador ng lalawigan ng Cavite na aabot na sa 30 taong pagiging bahagi ng Lakas.

“Mula po sa aking unang hakbang sa paglilingkod, ang ating partido ang nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang tumindig at maglingkod. Hindi ko po iniwan ang ating samahan, kahit sa mga panahong hindi maginhawa at puno ng pagsubok. Sa bawat laban, sa bawat pagkakataon, I remained steadfast – because I am a loyal soldier of the party, but more importantly, I am a loyal servant of the people,” aniya.

“Throughout my political journey, I have been part of this great party. Tatlong dekada na po ako sa partidong LAKAS,” giit nito.

Isa ang Lakas-CMD sa mga nangungunang partido politikal na nakipag-alyansa sa partido ni Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. na Partido Federal ng Pilipinas, bilang paghahanda sa 2025 midterm polls.

Puntirya ni Revilla ang pang-apat na termino sa Senado. Isa siyang accomplished lawmaker na may-akda sa mga landmark laws kabilang ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Republic Act 11997); Expanded Centenarians Act (RA 11982); No Permit, No Exam Prohibition Act (RA 11984); Free College Entrance Examinations Act (RA 12006); at ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death and Marriage Act (RA 11909).