Chua and Reyes Chua (kaliwa) at Reyes pambato ng La Salle. PSC photo

Reyes, Chua humataw ng golds sa ROTC Luzon Games

Robert Andaya Aug 1, 2024
160 Views
Reyes
Reyes hindi mapigil. PSC photo

TAGAYTAY City — Perfect five para kina Kirk Dominique Reyes at Janelle Kyla Chua ng De La Salle University-Manila.

Nagpakita ng kakaibang galing at sigla sina Reyes at Chua upang makasungkit ng tig limang gold medals sa swimming competition sa Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games Luzon NCR leg sa De La Salle University-Dasmarinas pool.

Kumpiyansang idinagdag ni Reyes, ang dalawa pang golds da kanyang koleksyon matapos ma-domina ang boys’ 50-meter breaststroke ar 100-meter butterfly events.

Ang 19-year-old na si Reyes ay nagsumite ng oras na 32.14 seconds sa 50-meter breaststroke upang walisin sina Will Andre Tolentino at Meynard Bautista, na na-kuntento sa silver and bronze medals.

“Iyong langoy ko ngayon puwede na pero kaya ko pang lakasan. Sa susunod sa National Finals kaya kong bilisan,” pahayag ni Reyes, na nanalo din sa 200m Individual Medley, 200m breaststroke at 50m butterfly n7ng Martes.

Nagdomina naman ng 19-year-old ding si Chua ang girls’ 50m breaststroke sa oras na 41.70 seconds at 100m butterfly sa bilis na 1:11.19 para sa panalo kasama ang 100m freestyle, 50m butterfly at 50m backstroke events.

“Ok naman yun swim ko lately kasi given na wala masyado training last week dahil malakas nga yung ulan, pero ok naman,” Chua told People’s Tonight.

“Based naman sa (La Salle) program na nakita ko halos wala naman masyado competitive swimmers ang nandito.” added Chua, afirst-yera Marketing student at La Salle.

Samantala, nilangoy ni Keannashaira Milar ang kanyang ikatlo at ikaapat na gold sa girls’ 100m backstroke (1:32.54) at sa 200m backstroke (3:32.53) sa
Air Force unit.

Ang pangatlong gold ang inangkin nina Army cadets Alvin Marticion,Mitzie Llegunas at Grazieli Burgoz sa boys’ 100m butterfly (1:06.09),girl’s 200m freestyle (3:01.45) at girls’ 100m backstroke (1:24.34), ayon sa pagkakasunod.

Sa Cavite State University (CvSU) track oval, naghagis si Christine Ramos ng Fullbright College ng 7.97m para kunin ang gold sa women’s shot put sa Air Force unit, habang nanalo si Ann Katherine Quitoy (9.16m) ng La Salle sa Navy at si Divine Bacus (9.10m) ng PUP sa Army.

Wagi din ng gold sa men’s long jump sina Zoren Lepalam (6.24m) ng Rizal

Technological University sa Army; Lester Jade Gabuco (5.22m) ng Fullbright College sa Air Force; at Luke Salamante (5.77m) ng Manuel Enverga University Foundation sa Navy.

Sa women’s 200m, wagi ng gold sina Audrey Abigail Latag (34.1sec) ng

Philippine State College of Aeronautics sa Air Force; Geremae Domalanta (26.8sec) ng Virgen Milagrosa University Foundation sa Navy; at Janice Patdu (27.4sec) ng Don Honorio Ventura State University sa Army. Sa men’s 200m, naghari sina Rommel Gonzales (24.0sec) ng Kolehiyo ng

Lungsod ng Lipa sa Air Force; Guha Garcia (22.0sec) ng Virgen Milagrosa University Foundation sa Navy; at Maynard Guillermo (22.5sec) ng University of Baguio sa Army.

Kasalukuyang pinaglalabanan ang mga gold sa taekwondo sa Tolentino

Sports Complex and Activity Center sa Tanza, habang nasa krusyal na bahagi na ng elimination ang sepak takraw, kickboxing, target shooting, chess, arnis, basketball at volleyball.