Gadon

‘Reyna’ ng fake news?

678 Views

Gadon naghamon muli ng ‘Motorcade Challenge’

BINATIKOS ni UniTeam senatorial bet Larry Gadon ang nagpapakilalang ‘righteous journalist’ na si Raissa Robles dahil sa pagpapakalat umano nito ng fake news ukol sa mga naglabasang larawang kuha sa campaign rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa General Trias, Cavite.

Sa halip na magkaroon na i-double check nang husto bago magsulat pekeng balita, ipinakalat umano ni Robles na ang mga kuha sa Cavite ay larawan mula sa bikers event sa Indonesia.

“Umandar na naman ang pagkasinungaling nitong si Raissa Robles at pinagkakalat nya na ‘yun daw rally ng BBM-Sara UniTeam sa Cavite ay nanghiram lang ng photo ang BBM camp doon sa isang rally sa Malaysia yata ‘yun. Eh hindi ba n’ya napapanood ang mga live feeds sa social media at ‘yung ibang mga news organization tungkol doon sa rally at talaga naman nakita na punung-puno doon?” ani Gadon sa kanyang Facebook post.

Sinabi ni Gadon na ang mahigit sa 100,000 na dumating sa Cavite raly ay totoo at hindi hakot tulad ng ginagawa ng kampo ni Leni Robredo na kumukuha ng bayarang tagasuporta.

“’Yun ay mga lehitimo na mga taga-Cavite. Hindi kagaya doon sa kampo ni Leni Robredo na ang mga tao ay hakot kung saang-saang lugar at hindi laan na taga-Cavite. Eh ito yung rally namin nila BBM-Sara at ng UniTeam ay talagang taga-Cavite at walang taga ibang lugar at nakita nyo talaga very intense ‘yung mga tao sa pagsalubong sa amin sa rally na ‘yan,”sabi pa ng YouTube senation na abogado.

“‘Pag nasa rally kayo hinakot nyo ‘yung mga tao. Isang damakmak na mga bus at jeep ang mga dala-dala nila kasi hinakot nyo ‘yung tao sa malalayong lugar. Napag-alaman ko rin na kahit ang inyong rally sa Isabela ay nanggaling pa sa Payatas ‘yung ibang mga tao. Isipin nyo ‘yan pinepeke nyo ‘yung mga tao,” sabi pa niya.

Hinamon ni Gadon ang kampo ni Robredo na maglabas ng live feeds of their rallies because live feeds na hindi puwedeng i-manipula nang kahit sinong ‘photo/video editor.’

“Kaya ako hinahamon ko ang mga kampo ni Leni Robredo na magpakita sila ng live feed. Live dapat kasi ang live di pwedeng i-photoshop ‘yan at tsaka talagang makikita aktuwal. Kaya hinahamon ko kayo kung marami kayong tao mag-live kayo,” wika pa niya.

Bukod dito, hinamon pa ni Gadon ang buong kampo ni Robredo na kung talagang mahal ng taumbayan ang Lugaw Queen ay kumasa sila sa kanyang #MotocadeChallenge para aniya malaman na kung talagang lehitimo at organic ang mga tagsuporta ng pinklawan.

“Ito ang pinakamatinding hamon mag-motorcade kayo dahil ang motorcade spontaneous ang tao sa kalsada. Talagang lumalabas sila ng kalsada at kung saan sila nakatira doon talaga makikita mo ang mga tao ay humuhugos sa kalsada. Kayo wala kayong mga motorcade na ganyan dahil kasi ang mga tao ninyo ay mga bayaran at mga hinakot lang. Talagang kahit kalian kayo ay mga mandaraya hinahamon ko kayo mag-rally kayo na may motorcade. ‘Yung talagang nadadaanan ng mga tao sa kalsada, ‘yung lumalabas ‘yung mga residente dahil kayo puro kayo pandaraya kahit sa mga photos. Mandaraya kayo!” pagtatapos pa niya.