Rice

Rice importers, traders magbebenta na ng muranb bigas

192 Views

MISMONG ang mga rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t-ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.

Ayon kay House Deputy Majority leader Erwin Tulfo , β€œito ang ang ipinangako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Balagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila”.

Ayon kay G. Marquez, β€œpwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga tao sa halagang P40 hanggang P45 per kilo.”

β€œIsasakay po namin ang aming mga bigas sa mga truck at paparada po kami sa mga palengke sa Metro Manila,” aniya pa.

Dagdag pa ni Tulfo, β€œthis is a breakthrough and we are thankful na tutulong din itong mga negosyante sa pagresolba sa problema ng ating bayan.”

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Laurel, β€œthis is good news pero paplantsahin pa namin kung ilang kilo ang pwedeng bilhin araw-araw ng mga tao”.

β€œKailangan naming bigyan sila ng permit (rice traders) na magbenta ng tingi o di kaya ibagsak nila sa 250 DA stalls sa NCR markets ang bigas nila,” dagdag pa ni Laurel.

Ayon naman kay Senior Deputy Speaker Gonzales, β€œthis is the initiative of Speaker (Martin) Romualdez na kung pwede kausapin ang mga negosyante na tumulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas”.