Parak kumilos; tiklo 2 suspek sa nakawan
Jul 10, 2026
Calendar
Ang lugar ng pinangyarihan ng pamamaril habang naka park ang motorsiklo na gamit ng biktima.
Provincial
Rider binaril ng naka-motorsiklo, patay
Gil Aman
Sep 13, 2024
514
Views
PATAY ang 31-anyos na rider nang barilin ng hindi nakilalang suspek Huwebes sa Purok 2, Brgy. San Pedro, San Pablo City, Laguna.
Ayon kay P/Lt. Col. Wilhelmino Saldivar Jr., hepe ng San Pablo police, residente ang biktima na si Zeuz Javier Magnaye ng Brgy. Lorenzo, San Pablo City.
Namatay si Magnaye dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Naganap ang pamamaril dakong alas-5:00 ng hapon, ayon sa report.
Base sa salaysay ni Barangay Councilor Vida Oño, sakay ng motorsiklo ang biktima nang barilin.
Sakay ng itim na XRM motorcycle ang suspek at nakasuot ng itim na long sleeve, maong pants at tri color na helmet.
Dinala sa San Pablo District Hospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on-arrival ni Dra. Isabel Lagrimas.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026
RIT nanghablot ng braclet, kumaway pa sa CCTV camera
Jul 10, 2026

