Just In

Calendar

October 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Rider binurdahan ng bala sa Batangas

615 Views

PINAGBABARIL ang isang hindi nakilalang rider sa Sitio Buhay, Brgy. Butucan, Nasugbu, Batangas noong Lunes, ayon sa pulisya.

Sinabi sa police report na sakay ang rider ng Suzuki Smash (410 DEE) at nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang suspek matapos ang insidente. Narekober ng mga pulis ang tatlong basyo ng bala ng kalibre. 45 pistol sa crime scene.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga kapulisan para sa
pagkakakilanlan ng suspek at nananalangin na sana’y maaresto ito.