PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Rider hinabol, pinagbabaril ng RIT dedo sa Rizal
Jojo Cesar Magsombol
Sep 12, 2024
648
Views
PATAY ang isang lalaki nang barilin ng isa sa riding-in-tandem (RIT) na dumikit sa kanya sa Sampaloc Road, Sitio Waray, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal noong Martes.
Residente ng Sitio Halang na Gubat, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal ang biktima na si Justine Morilla Tambong, 22, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.
Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-8:00 ng gabi nagbibiyahe ang biktima sakay ng Honda motorcycle ng habulin ng mga salarin sa hindi malamang dahilan.
Nang makalapit, pinagbabaril ng isa sa RIT ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala at isinugod sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong, Rizal.
Patay na ang suspek ng madala sa ospital, ayon sa attending physician.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

