Rider

Rider laglag sa P200K na shabu

Edd Reyes Jan 11, 2025
10 Views

Rider1TIMBOG ang hinihinalang adik na rider na may dalang halos P200,000 ng shabu nang sagasaan ang isa sa mga pulis na miyembro ng Oplan Sita noong Sabado sa Caloocan City.

Bahagya lang nakailag si P/Cpl. Ofalia kaya’t nahagip siya ng bahagya ng 59-anyos na rider na sa pagmamadaling tumakas nawalan ng kontrol at bumangga sa malaking karatula ng Oplan Sita sa may Alat Bridge, Quirino Highway, Brgy. 185.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng NPD-District Mobile Force Battalion (MDFB) sa naturang lugar nang parahin nila ang rider dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot na helmet dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng suspek ang motorsiklo patungo sa kinatatayuan ni Cpl Ofalia na bahagyang nakaiwas, at dahil dito, sumemplang ang rider nang bumangga sa karatula.

Nang suriin ng pulisya ang nagkalat na laman ng bag, natuklasan ang P2,500 cash at anim na sachet na naglalaman ng 28 gramo ng shabu na may halagang P190,400.