Calendar

Rider na babae nabangga, nagulungan ng dump truck, dedo
DEAD ON SPOT ang isang babaeng rider matapos mabanga at magulungan ng isang dump truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard kanto ng Pasaje del carmen St,.harapang bahagi ng Palacio De Manila, Malate, Manila, Maartes ng umaga.
Kinilala ang biktimang rider na si alyas Angelica, 21,nakatira sa Purok 2, Barangay Asisan,Tagaytay City.
Nasa kustodiya na ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang suspek na driver ng truck na si Sherwin Darl Q. Laaro, 27,mula Bubulang Malaki Sa Indefonso,Bulacan.
Sa imbestigasyon ng pulisya,bandang 6;12 ng umaga, binabaybay ng biktima sakay ng kanyang Honda Click motorcycle na my plakang D3 99SN at ng suspek na minamaneho naman ang Howo dump truck (NAR 1414) ang kahabaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard partikular sa harap ng Palacio De Manila, Malate, Manila ng magbangaan ang dalawa..
Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa rider bumagsak ito sa kalye at nagulungan pa ng dump truck dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa ulo at agarang kamatayan nito.