Ibay Kinilala ni MPD Chief Police Brig.General Arnold Thomas Ibay ang suspek matapos matimbog at mabuking na may dalang baril matapos maaksidente.

Rider nabuking ang boga nang bumanga

Jon-jon Reyes Sep 26, 2024
8 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Jorge Bocobo station ang 27-anyos na rider na nabuking na may dalang boga matapos bumangga sa L. Guerrero St., Brgy. 668 Ermita, Manila noong Sabado.

Arestado ang suspek na si alyas Kenny at nahaharap sa kasong Paglabag sa R.A.10591 (Comprehensíve Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act) at Art. 151 (Resistance and Disobedience to a person of Authority).

Bandang alas-2:50 ng madaling araw ng maganap ang insidente.

Biglang bumangga sa nasabing lugar ang suspek habang nagpa-patrol sina PSSg Richard Borres at at Pat. Domingo Blam, ayon sa report.

Pagkatapos mabangga, nabangga ng suspek ang isa pang motorsiklo at sumemplang sa kalye kaya iniwan na ang kanyang motorsiklo.

Dito na hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang makorner at doon na hinugot ng suspek ang kanyang baril na nakasukbit sa kanyang kaliwang baywang.

Hinablot ni PSSg Borres ang baril ng suspek at nahuli na ito matapos makipagbuno ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang baril at walong bala, mga IDs, isang Philhealth ID, brgy ID at driver’s license.

Ayon sa inisyal na impormasyon, kabilang ang suspek sa mga nanghoholdap sa Metro Manila at mga karatig probinsya.