Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Rider patay ng masagasaan ng trak na kumalas sa tow truck

336 Views

NASAWI ang isang motorcycle rider ng masagasaan ng isang sirang trak na kumalas mula sa humihila ditong tow truck

Nasawi umano ang biktima na si Dexter Cortez, 42, residente ng Socorro, Quezon City, habang dinadala sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Nagmamaneho umano ang biktima ng motorsiklo sa Aurora Boulevard kanto ng Broadway, Barangay Valencia alas-10:30 ng umaga ng masagasaan ng isang cargo trak.

Ang cargo truck ay hinihila umano ng isang tow truck na minamaneho ni Rolando Llaren, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Kumalas umano ang cargo truck sa bakal na panghila kaya gumulong ito sa pababang bahagi ng kalsada.

Nang mabangga ang motorsiklo ay bumagsak umano ang biktima sa kalsada at nagulugan ng sirang cargo truck.

Bumangga rin ang cargo truck sa isang Mitsubishi Mirage, at tatlo pang motorsiklo.