BBM1

Rightsizing program ng gobyerno ipinagtanggol ni PBBM

215 Views

IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang itinutulak na rightsizing program ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Marcos pinag-aaralan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mapag-isa ang mga ahensya na magkakapareho ang trabaho.

Iginiit ng Pangulo na hindi pagtanggal sa mga empleyado ng gobyerno ang layunin ng programa kundi upang mapabilis at mapaganda ang serbisyong bigay ng gobyerno.

Ang National Government Rightsizing Bill (House Bill 7240) ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes.

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ang Pangulo ng kapangyarihan na ire-organisa ang mga ahensya ng gobyerno upang bumilis at maging epektibo ang isang ahensya.

Ang mga empleyado na matanggal ay maaaring ilipat sa ibang ahensya.