NAPOLCOM

Rigodon ng NAPOLCOM officials simula sa Hunyo 23

Jun I Legaspi Jun 19, 2025
15 Views

ITINALAGA ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ilan sa mga key officials nito sa central at regional offices para mapabuti ang pamumuno ng organisasyon.

Sa ipinalabas na Special Order No. 2025-140, magkakabisa sa Hunyo 23 ang reassignment ng mga opisyal.

Ayon kay Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, CEO ng NAPOLCOM, ang hakbang ay bahagi ng adbokasiya para sa performance-based leadership at pananagutan sa publiko.

“Itinatakda natin ang mga tamang tao sa tamang posisyon sa tamang oras,” ayon sa opisyal.

Itinalaga si Dir. Arlene L. Castro-Co bilang Acting Deputy Executive Director.

Ilang Regional Directors ang inilipat tulad nina Dir. Romeo David (NCR) at Dir. Julieta Rañeses (CALABARZON).

Sa Region 12, si Atty. Mary Grace Guirhem ang bagong Acting Assistant Regional Director.

Ayon kay Calinisan, “leadership in motion” ang paglilipat sa mga opisyal na nagpapakita ng pagpupursige ng NAPOLCOM na magkaroon ng matino, mahusay at maaasahang pamumuno sa bawat bahagi ng ahensya.