PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
RIT naghagis ng granada sa Cabanatuan bgy hall, natutulog na chairman ligtas
Steve A. Gosuico
May 11, 2025
521
Views
CABANATUAN CITY–Sumabog ang granada na ibinato ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo sa barangay hall ng syudad kung saan natutulog ang barangay chairman noong Sabado.
Walang naiulat na nasaktan sa pagsabog kahit na doon natutulog si Brgy. chairman John Mycon Capinpin, 31, sa barangay hall ng Brgy. Mabini extension dakong alas-4:20 ng umaga.
Makikita sa mga kuha ng closed circuit television ang hindi pa nakikilalang suspek na nakaitim na jacket na may hoodie habang nagmamaneho ng itim na motorcycle.
Sinabi ni Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya, na nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon para matukoy at maaresto ang suspek.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

