Explosion1 Source: QCPD- PIO

RIT naghagis ng granada sa spa

24 Views
Explosion2
Source: QCPD- PIO

DALAWANG nakamotorsiklong suspek ang naghagis ng granada sa isang spa sa Quezon City noong Huwebes bago tuluyang tumakas.

Ayon sa Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang ala-1:50 ng hapon nangyari ang insidente sa White Spa sa No. 195 Sct. Chuatuco Brgy. Obrero, Quezon City.

Batay sa pahayag ng isang saksi, nakatayo siya ng makita niya ang dalawang lalaking sakay ng puting honda PCX na motorsiklo.

Tumigil sa harap ng spa ang dalawa at doon nakita ng biktima ang back rider na may inihagis sa loob ng establisyimento na sinundan ng pagsabog.

Dahil dito humingi ng tulong ang saksi sa mga awtoridad at agad na nagresponde ang mga operatiba ng Kamuning Police Station 10 sa pangunguna ni P/Lt. Col Leoni Ann Dela Cruz.

Napasugod din sa lugar si QCPD Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, P/Col. Randy Glenn Silvio, upang i-check ang sitwasyon.

Wala pang napapaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.