Cops

Rizal cops nagtulungan sa pamimigay ng school supplies

257 Views

NAMAHAGI ng mga notebook, bag, lapis, krayola at iba pang gamit sa eskwela sa covered court ng Brgy. Hulo, Pililla, Rizal ang mga pulis ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) noong Lunes.

Tinawag na “Isang Pulis, Isang Lapis, May Kwaderno at Papel Pa,” layunin ng proyekto na maiparating ang tulong sa mga kabataang mag-aaral ng komunidad.

Pinangunahan ni Police Colonel Felipe Maraggun, director ng RPPO, ang pamamahagi ng mga school supplies.

Kasama rin sa ipinamahagi ang mga coloring books na disenyo ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ng Rizal PPO sa pangunguna ni Dennis Martin.

Katuwang ni Maraggun sa aktibidad si Police Major Amadeo Baby P. Estrella III, Officer-In-Charge ng Pililla police, na nangasiwa sa paglatag ng programa at seguridad ng naturang aktibidad.

Dumalo si Mayor Dan Masinsin ng Pililla sa event.