Mandanas

RNIP dialogue dinaluhan ni Batangas Gov. Mandanas

18 Views

DUMALO si Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa 2nd Regional-National Investment Programming (RNIP) dialogue sa Quezon City noong Agosto 22 bilang CALABARZON Regional Development Council (RDC) chairperson.

Ilan sa mga tinalakay sa pagtitipon ang pagtukoy sa ilang mga top priority projects, mga programa na kinakailangan na mapabilang sa Public Investment Program at budget proposals at ang pagbibigay-pansin sa pangangailangang maipagpatuloy na pag isahin ang mga targets mula sa national at regional level.

Ang proseso ng RNIP nagsisilbing plataporma upang matukoy ang mga programa at proyekto mula sa iba’t-ibang mga rehiyon sa bansa na nangangailangan ng sapat na pondo at budget allocation.

Nakasama ni Mandanas sa pagpupulong ang iba pa niyang mga kapwa tagapangulo ng RDCs, mga kinatawan mula sa National Economic and Development Authority (NEDA), Agency Central Offices (ACOs) at ilang kalihim ng mga kagawaran ng gobyerno.