Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Rob

Rob at Hipon ‘wala’ na

Jun Nardo Oct 6, 2024
4 Views

SIMULA pa lamang sa TV ng programang “Regal Studio Presents” ay laging nakakasama sa weekly episodes ang aktor na si Rob Gomez.

Sa 4th year ng “RSP,” special episodes ng inihanda ng creatives ng show gaya ni Direk Easy Ferrer.

Eh, masusi rin itong pinamamahalaan ng Regal boss na si Roselle Monteverde na katuwang na ang anak na si Keith Monteverde sa pamamahala ng production outfit, kaya naman kaabang-abang ang bawat episode na ipinalalabas every Sunday, 4:15 p.m., sa GMA Network.

Sa palaging paglabas ni Rob sa “RSP,” naiintriga siya dahil manager kasi niya ang brother ni Roselle na si Dondon Monteverde kaya malakas siya.

“Hindi naman po. Nakak-deliver lang siguro po ako kaya nabibigyan ako ng episode sa show na bagay siguro sa akin,” sabi ni Rob sa mediacon ng anniversary ng show.

Hindi namin natiis na tanungin si Rob kung kumakain pa ba siya ng hipon?

Remember, natsismis siya kay Herlene “Hipon” Budol nang gawin nila ang “Magandang Dilag” series?

“Hindi na po! Hahaha!” sagot niya.

Friends lang daw sila ni Herlene.