Robin

Robin tiniyak di maabuso rehan ng criminal offenders

169 Views

PARA tiyakin na hindi maaabuso ang prinsipyo ng rehabilitasyon ng mga criminal offenders, naghain ng panukalang batas si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na huwag ibukod ang ilang krimen– kasama ang economic sabotage at offenses against minors–sa Indeterminate Sentence Law.

Sa Senate Bill 2453, ipinunto ni Padilla na bagama’t layunin ng Indeterminate Sentence Law ang rehabilitasyon, may mga krimen na hindi pwedeng isama dahil sa kalubhaan nito.

Layunin ng panukalang batas na amyendahan ang Act No. 4103, o ang Indeterminate Sentence Law.

Kabilang sa mga ibubukod sa Indeterminate Sentence Law ang mga hinatulan ng economic sabotage and crimes against minors tulad ng kidnapping (maliban kung ginawa ng magulang), criminal sexual conduct, solicitation to engage in sexual conduct, sexual performance, and practice of prostitution, pag-uugali na sexual offense, paggawa ng child pornography, child trafficking, at paggamit ng bata sa drug trafficking.

“More so, if an individual is subject to imprisonment penalties according to specific laws unless there are exceptions, the court must mandate that the accused serve a minimum sentence, which cannot be shorter than the statutory minimum for the offense, and a maximum sentence that does not surpass the legal maximum,” ani Padilla.

Sa panukalang batas, ang Board of Pardons and Parole ang susuri sa physical, mental at moral records ng preso na eligible para sa parole.