Calendar
Robredo wag ‘lokohin’ Pinoy sa alyansa sa NPA — Badoy
NANAWAGAN ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay Leni Robredo na huwag insultuhin ang talino ng mga Filipino ukol sa kanilang pakikipag-ugnayan sa teroristang grupong New People’s Army (NPA).
“VP Leni Robredo’s camp should stop insulting the intelligence of the Filipino people by pretending they have not made a pact with the devil, the communist terrorist CPP-NPA-NDF,” ayon kay NTF-ELCAC spokesperson, USEC Lorraine Marie Badoy, sa isang pahayag.
“The mere fact that no less than the founder of this terrorist organization, Joma Sison tweeted his official endorsement of her is proof,” dagdag pa Niya.
Kasabay nito, binatikos ni Badoy si Robredo sa tila pagtanggi pa nito sa kanilang alyansa sa NPA.
Binanggit pa ni Badoy na bukod sa NPA, maging ang Makabayan bloc, na tinagurian ng NTF-ELCAC na “urban operatives” ng NPA, ay nauna nang ininderso si Robredo kahit pa mayroon silang labor leader na tumatakbong pangulo sa katauhan ni Ka Leody de Guzman.
Katulad ng sinabi nila Sen. Panfilo Lacson at Cavite Rep. Boying Remulla, kinumpirma rin ni Badoy na mayroong mga CPP operatives ang namataan sa campaign rally ni Robredo sa Cavite.
Itinanggi na ito ng kampo ni Robredo at iginiit na “red tagging” lamang ang ginagawa sa kanila.
“She has also repeatedly used the term “red tagging”- a tool the CPP uses to silence those who speak the truth about their fronts despite the consistent verdict given by our courts of law-including our Supreme Court that there is no threat to life, liberty and security when one is identified as a member of the CPP-NPA-NDF,” dagdag pa ni Badoy.
Hinamon din ni Badoy si Robredo na harapang kondenahin ang NPA kung talagang wala silang koalisyon o alyansa ng mga ito.
“We therefore await the vice president’s public condemnation of the CPP-NPA-NDF and her open invitation for the KABAG to do the same,” ayon kay Badoy.