Rodriguez Atty. Vic Rodriguez

Rodriguez: Maraming salamat po!

247 Views
BBM
Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Survey

 

BBM nananatili pa ring No. 1

MARAMI pong salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at ang standard-bearer ng PFP ay nananatili pa ring Number One sa inyong mga puso!

Ito ang masayang pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos na lumabas pa ring Number One at nangunguna ng 33 percentage si Marcos sa kanyang katunggali base sa pinakahuling resultang Pulse Asia survey.

Mabunying ibinalita rin ni Rodriguez na pitong araw bago ang eleksyon ay patuloy na namamayagpag bilang No. 1 na kandidato bilang pangulo at bise-presidente sina Marcos at ang kanyang ka-tandem na si Davao City Vice Mayor Sara Duterte.

Nangangahulugan lamang na nniyayakap ng sambayanang Pilipino ang tambalang BBM-Sara at ang mensahe ngpagkakaisa ng UniTeam, ani Rodriguez.

Sa kabila ng magandang kaganapan, hinikayat ni Rodriguez ang mga tagasuporta ng UniTeam na maging alerto at siguruhing ang kanilang mga boto ay mabibilang ng maayos at mananaig.

“Ang halalang ito ay para sa ating kinabukasan. Bumoto po tayo sa Mayo 9,” sabi pa ni Rodriguez.

Narito ang buong pahayag ni Rodriguez:

“Seven days to go before election day, the trajectory and the numbers of presidential frontrunner Bongbong Marcos and vice-presidential leader Sara Duterte are showing no signs of slowing down.

The message and call for UNITY have reverberated all over the land among a great majority of Filipinos who responded by continuously embracing the tandem of BBM-SARA.

For all of us in the UniTeam, the most important survey is the election day itself, thus, we call upon our countrymen to be vigilant and let us make sure that the true and genuine will of the people shall be heard, be counted and prevail.

This election is all about our future, as Filipinos of one race and as one nation.

Please go out and vote on May 9.”