Calendar
Rodriguez: Oras na para magkaisa
Comelec binasura huling DQ case vs Marcos, BBM camp nanawagang pagtulungan clean polls
“ORAS na para sa bawa’t Pilipinong nagnanais ng kapayapaan na tumulong at siguruhin ang malinis, tapat, mapagkakatiwalaan at patas na halalan; at hayaan ang mga tao na magsalita, marinig ang kanilang boses at tunay na mabilang ang kanilang mga boto.”
Ito ang inihayag ni Atty. Victor Rodriguez, chief of staff at spokesperson ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos ibasura ng Commission of Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay Marcos.
Ang Comelec First Division na binubuo nina Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino ay Aimee Torrefranca-Neri ay nagkaisa sa kanilang boto na ibasura ang petiton na huwag patakbuhin si Marcos sa pagkapangaulo dahil sa kawalan ng merito o “lack of merit.”
“Ang halalan ay naayos sa pamamagitan ng balota sa araw mismo ng eleksyon at di sa pamamagitan ng pag-abuso ng judicial processes tulad ng pagsampa ng pampagulong petition para sa diskwalipilasyon,” ani Rodriguez.
Dagdag pa ni Rodriguez na sa pagbasura ng petition, pinagtibay ng Comelec na taglay ni Marcos ang lahat ng kwalipilasyong upang magsilbing presidente ng Pilipinas.
Ang buong pahayag ni Rodriguez:
“As advocated, elections are settled through the ballots on election day – not through the abuse of our judicial processes like the filing of nuisance petitions for disqualification.
The Commission on Elections has affirmed and settled the last petition for disqualification: Presidential frontrunner Bongbong Marcos possesses all the qualifications needed to aspire for, campaign and serve as president of the Republic of the Philippines.
It is now time for every peace-loving Filipino to work for a clean, honest, credible and fair elections, and allow the people to speak, their voices heard and votes genuinely counted.”
Inanunsyo ng Comelec First Divison ang pagbasura sa pinakahuling disqualification case na finile ng Ilocano nga Pudno laban kay Marcos Miyerkules ng umaga.
Sa kanilang 10-pahinang desisyon, sinabi ng First Division commissioners na hindi sila kumbinsido ang ang hindi pag-file ng income tax returns ay isang crime of moral turpitude matapos silang sumangguni sa isang Supreme Court (SC) ruling.
Dagdag pa ng First Division na ang moral turpitude ay nagpapahiwatig ng isang bagay na immoral “in and of itself” kahit ito ay parusahan o hindi ng batas, kung kaya’t ang di pag-file ni Marcos umano ng buwis ay hindi maituturing na likas na mali o “inherently wrong.”
Nang tanungin si Marcos sa nasabing bagsura ng pinakahuling disqualification petition laban sa kanya, sinabi nitong,”It’s a good development and we’re happy that it happened before the upcoming elections.”
Lahat ng kaso upang pigilan si Marcos na tumakbong presidente ay nabasura na sa divison level.