Romero

Romero, nagpaabot ng pagbati at paghanga para sa 6 na Pinoy paralympians

Mar Rodriguez Sep 4, 2024
124 Views

Romero1š—•š—œš—Ÿš—”š—”š—š š—øš—¶š—¹š—®š—¹š—®š—»š—“ “š˜€š—½š—¼š—暝˜š˜€š—ŗš—®š—»” nš—®š—“š—½š—®š—®š—Æš—¼š˜ š—»š—“ š˜š—®š—¼š˜€ š—½š˜‚š˜€š—¼š—»š—“ š—½š—®š—“š—Æš—®š˜š—¶ š—øš—®š˜€š—®š—Æš—®š˜† š—»š—“ š—øš—®š—»š—¶š˜†š—®š—»š—“ š—½š—®š—“š—µš—®š—»š—“š—® š˜€š—¶ šŸ­-š—£š—”š—–š— š—”š—” š—£š—®š—暝˜š˜† š—Ÿš—¶š˜€š˜ š—–š—¼š—»š—“. š— š—¶š—°š—µš—®š—²š—¹ “š— š—¶š—øš—²š—²” š—Ÿ. š—„š—¼š—ŗš—²š—暝—¼, š—£š—µ.š——., š—½š—®š—暝—® š˜€š—® š—®š—»š—¶š—ŗ š—»š—® š—™š—¶š—¹š—¶š—½š—¶š—»š—¼ š—½š—®š—暝—®-š—®š˜š—µš—¹š—²š˜š—²š˜€ š—¼ š—ŗš—®š˜€ š—øš—¶š—¹š—®š—¹š—® š—Æš—¶š—¹š—®š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—£š—¶š—»š—¼š˜† š—½š—®š—暝—®š—¹š˜†š—ŗš—½š—¶š—®š—»š˜€ š—»š—® š˜€š˜‚š—ŗš—®š—Æš—®š—ø š˜€š—® šŸ®šŸ¬šŸ®šŸ° š—£š—®š—暝—¶š˜€ š—£š—®š—暝—®š—¹š˜†š—ŗš—½š—¶š—°š˜€.

Ayon kay Romero, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, hindi matatawaran ang ipinapakitang dedikasyon, tapang at katatagan ng anim na Pinoy paralympians sa kabila ng taglay nilang kapansanan.

Sabi ni Romero na ipinapakita lamang aniya ng mga nasabing atleta na hindi hadlang ang kanilang “handicapp” para hindi sila magpursige at masiraan ng loob upang hindi nila makamit ang kanilang minimithi.

Pagdidiin ng kongresista na dapat tularan ng mga Pilipino ang katatagan at dedikasyon ng anim na paralympians na hindi dapat maging balakid ang ating mga kahinaan para hindi magpatuloy sa pakikibaka sa mga hamon ng buhay.

Dagdag pa ni Romero na dapat din magsilbing inspirasyon ang mga atletang ito para naman sa mga Pilipinong nawawalan na ng pag-asa sa buhay na gaano man kahirap ang ating pinagdadaan ay kayang-kaya itong magapi gaya ng ipinapakita ng anim na Pinoy paralympians.

Kabilang sa mga paralympians na sasabak sa Paris Paralympics ay sina Jin Allain para sa Taekwondo, Angel Mae Otom para sa swimming at Ernie Gawilan. Kasama din sina Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano para sa Track and Field at si Agustina Bantiloc para sa Archery.

Sila ang magre-representa sa Pilipinas para sa 17th Paralympic Games sa Paris, France.

Kasabay nito, ipinahayag din ni Romero na bilang Reservist sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Napili siya bilang delegates sa Detroit, USA upang dumalo sa National Guard of United States og America (NGUS) Annual Convention.