Calendar
Romero nagpaabot ng taos pusong pagbati kina Carlos Yulo, iba pang Pinoy na Atleta
๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐-๐ฝ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด “๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐๐บ๐ฎ๐ป” ๐ฎ๐ “๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ ๐ฒ๐ป๐๐ต๐๐๐ถ๐ฎ๐๐๐” ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ญ-๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น “๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ฒ” ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ, ๐ฃ๐ต.๐., ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด a๐๐น๐ฒ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ฒ๐ฟ ๐ข๐น๐๐บ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ผ-๐๐ถ๐บ๐ฒ ๐๐ผ๐น๐ฑ ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐๐ฎ๐ฟ๐น๐ผ๐ “๐๐ฎ๐น๐ผ๐” ๐ฌ๐๐น๐ผ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐.
Ayon kay Romero, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, maituturing na isang napakalaking karangalan ang nakamit na tagumpay nina Yulo at mga kapwa nito Altleta dahil sa ipinamalas nilang dedikasyon upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na hinarap nila sa Paris Olympics.
Paliwanag ni Romero, dahil sa karangalang naibigay nina Yulo, EJ Obiena at Bianca Pagdanganan para sa kanilang bansa, muli na namang naitaas ang dangal ng mga Pilipino at naipakita din sa buong mundo na walang sinusukuang hamon ang mga Pilipino sa gitna ng mga mabibigat na pagsubok.
Pagdidiin pa ng kongresista na ang ipinamalas na karakter nina Yulo at kapwa nito atleta sa kalagitnaan ng kompetisyon ay magsisilbing inspirasyon para sa mga Pilipinong kabataan na naghahangad na sundan ang kanilang yapak sa mga darating na panahon.
Ikinagalak din ni Romero ang ginawang pagpapatibay ng Kamara de Representantes sa tatlong House Resolution na nagpapa-abot ng pagbati at kumikilala sa double Olympic Gold Medal winner na si Yulo, kasama na ang gronze medalists na sina Nesthy Alcayde Petecio at Aira Cordero Villegas at iba pang mga Atleta.