Cong Romero

Romero nagpasalamat kay Speaker Martin G. Romualdez dahil sa pagbibigay prayoridad sa Eddie Garcia Bill

Mar Rodriguez Jun 5, 2024
123 Views

Cong Romero Cong RomeroNAGPAABOT ng taos pusong pasasalamat si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa suportang ibinigay ng liderato ng Kamara de Representantes para pumasa at maisabatas ang “Eddie Garcia Bill”.

Sinabi ni Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na tinatanaw nila bilang malaking utang na loob kay Speaker Romualdez ang pagsasabatas kamakailan ng Eddie Garcia Bill dahil narin sa pagbibigay prayoridad ng Kongreso sa nasabing panukalang batas.

“I am grateful to Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and the House leadership for prioritizing my bill through which Congress has made good in part on its decades of promises to address the plight of workers and talents in the film, radio entertainment industries,” sabi ni Romero.

Ipinaliwanag din ni Romero na ang pinaka-mahalagang parte ng Republic Act No. 11996 (Eddie Garcia Bill) ay ang Section 6 at 7. Kung saan, nakasaad sa Section 6 na kailangang magkaroon ng employment contracts ang lahat ng manggagawa sa pelikula, television at radio entertainment.

Binigyang diin ng kongresista na ang kawalan ng kontrata o employment contract ay kadalasang nauuwi sa pang-aabuso at unfair labor practice sa hanay ng mga nasabing manggagawa sapagkat wala silang pinanghahawakang kontrata na magbibigay proteksiyon sa kanilang mga karapatan.

“The lack of work contracts is the most prevalent problem and makes the workers vulnerable to abuse and unfair labor practices. The most crucial part of the Eddie Garcia Act are Sections 6 and 7. Section 6 requires employment contracts for all workers in film, television and radio entertainment,” ayon pa kay Romero.

Nauna rito, pinasalamatan ni Romero si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos lagdaan ng Punong Ehekutibo para maisabatas ang inakda niyang panukala at itinuturing na isang “landmark bill” – ang “Eddie Garcia Bill”.